Martes, Hulyo 29, 2014

Ang Paglilinis

Ayon sa isa sa mga opisyales ng Home Owners Association, sa palengke daw kadalasang bumaha. Kaya iyon ang napili namin lokasyon para sa gagawin paglilinis.


Sa unang bungad ng palengke, maaaring sabihin mong maayos at malinis pa ito, ngunit kung titignan ang mga canal, maraming nakaharang na mga dahon at iba't ibang klase ng basura kaya hindi na nakakapagtaka ang pagbaha sa lugar na ito. 


BEFORE


Sa larawang ito, bumungad sa amin ang plastic na basura na naipit sa mga bakal ng canal at mayroong ding patay na daga sa loob


















Itong larawan ay sa katapat lamang ng unang larawan, mukang ang bakanteng bahagi na ito ang pinagtatambakan ng basura kung saan kukunin ng mga basurero. Kaso sa isang sulok doon ay may kanal din na barado ng mga basura.



Sa larawang ito ay umuulan na, napansin namin ang kanal na ito kung saan hindi na nakakapasok ang tubig sa loob. Napuno ng malalaking bato, dahon at mga plastic na basura ang loob ng kanal .
















Ito ang pinaka magulong kanal, masyadong malaki ang butas sa kanya kaya madaling makakapasok ang mga basura at nakita rin naming sira sira na ito.




DURING




























AFTER






May mga kanal kaming hindi nakuhaan ng litrato pero naglinis din ang aming grupo doon.


Mga Basurahan

Para sa una naming proyekto, kami ay gagawa ng aming sariling basurahan na gawa sa lata ng mantika. Ang lata ng mantika na ito ay hindi na karaniwang nabibili sa mga junkshop dahil dito mayroon lamang kaming nakuhang dalawang lata ng mantika. Bumili kami ng pinturang asul at pininturahan na ang lata. Sinimulan namin ito ng 9:00 ng umaga at natapos ng 10:30. Hindi ito natuyo agad dahil umulan pa noong araw na iyon. 











Nang tuluyan nang natuyo ang mga basurahan. Inilagay naming ito sa ilang bahagi ng palengke kung saan walang basurahan. Sa amin ding naobserbahan, nagkaroon na ng mga sako na pwedeng pagtapunan sa ilang bahagi ng palengke kaya ang aming ginawang basurahan ay alam naming malaki rin ang maitutulong.






Mga Pakikipagpanayam

Kami ay nagkaroon din ng pakikipagpanayam sa mga residente o nagtatrabaho sa lugar na iyon.

Ang una namin nakausap ay isa sa mga residente sa lugar na iyon, Siya si Gng. Raul D. Austria na taga Blk 131 Lot 1 Phase 1 Mabuhay City Paliparan III

Link : PAKIKIPAGPANAYAM I

Sa kanyang sagot nalaman namin ang kung gaano kataas ang inaabot ng tubig kapag sa kanila ay bumabaha. Marami rin siyang nailahad na dahilan kung bakit bumabaha sa kanila at solusyon na kanilang ginagawa sa tuwing mararanasan ito.


Ang ikalawa namin nakausap ay isa sa mga nagmamay-ari ng tindahan sa palengke. Siya ay si G. Loricar V. Sinoy na taga Blk.132, Lot4, Mabuhay City, Paliparan III. Siya ay nagmamay-ari  ng L.V. Sinoy Store na na may tindang iba't ibang bagay.

Link : PAKIKIPAGPANAYAM II



Ayon naman kay G. Loricar, hindi masyadong apektado ang kanilang mga paninda sa mga nagdadaang baha. Kung inyong mapapansin, may mga bakod na semento o di kaya'y mataas ang mga bilihan at tindahan dito. Ito ay dahil na rin sa baha, makikita naman natin ang marka ng tubig sa mga sementong ito. 


Ang ikatlo namin nakausap ay isang tricycle driver. Siya si Ceriaco O. Vulisives na taga Phase I Mabuhay City.

Link : PAKIKIPAGPANAYAM III



Ayon naman kay G. Ceriaco, pagnagbabaha daw sa lugar na iyon, lumilipat ng ruta ang mga tricycle driver. Ito ay sa kabilang bahagi. Kaya sa mga pasahero nila ay medyo malayo ang nilalakbay.