Martes, Hulyo 29, 2014

Mga Pakikipagpanayam

Kami ay nagkaroon din ng pakikipagpanayam sa mga residente o nagtatrabaho sa lugar na iyon.

Ang una namin nakausap ay isa sa mga residente sa lugar na iyon, Siya si Gng. Raul D. Austria na taga Blk 131 Lot 1 Phase 1 Mabuhay City Paliparan III

Link : PAKIKIPAGPANAYAM I

Sa kanyang sagot nalaman namin ang kung gaano kataas ang inaabot ng tubig kapag sa kanila ay bumabaha. Marami rin siyang nailahad na dahilan kung bakit bumabaha sa kanila at solusyon na kanilang ginagawa sa tuwing mararanasan ito.


Ang ikalawa namin nakausap ay isa sa mga nagmamay-ari ng tindahan sa palengke. Siya ay si G. Loricar V. Sinoy na taga Blk.132, Lot4, Mabuhay City, Paliparan III. Siya ay nagmamay-ari  ng L.V. Sinoy Store na na may tindang iba't ibang bagay.

Link : PAKIKIPAGPANAYAM II



Ayon naman kay G. Loricar, hindi masyadong apektado ang kanilang mga paninda sa mga nagdadaang baha. Kung inyong mapapansin, may mga bakod na semento o di kaya'y mataas ang mga bilihan at tindahan dito. Ito ay dahil na rin sa baha, makikita naman natin ang marka ng tubig sa mga sementong ito. 


Ang ikatlo namin nakausap ay isang tricycle driver. Siya si Ceriaco O. Vulisives na taga Phase I Mabuhay City.

Link : PAKIKIPAGPANAYAM III



Ayon naman kay G. Ceriaco, pagnagbabaha daw sa lugar na iyon, lumilipat ng ruta ang mga tricycle driver. Ito ay sa kabilang bahagi. Kaya sa mga pasahero nila ay medyo malayo ang nilalakbay.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento