Martes, Hulyo 29, 2014

Mga Basurahan

Para sa una naming proyekto, kami ay gagawa ng aming sariling basurahan na gawa sa lata ng mantika. Ang lata ng mantika na ito ay hindi na karaniwang nabibili sa mga junkshop dahil dito mayroon lamang kaming nakuhang dalawang lata ng mantika. Bumili kami ng pinturang asul at pininturahan na ang lata. Sinimulan namin ito ng 9:00 ng umaga at natapos ng 10:30. Hindi ito natuyo agad dahil umulan pa noong araw na iyon. 











Nang tuluyan nang natuyo ang mga basurahan. Inilagay naming ito sa ilang bahagi ng palengke kung saan walang basurahan. Sa amin ding naobserbahan, nagkaroon na ng mga sako na pwedeng pagtapunan sa ilang bahagi ng palengke kaya ang aming ginawang basurahan ay alam naming malaki rin ang maitutulong.






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento