Isang magandang araw!
Kami nga po pala ang GROUP 5 ng Grade 9 - Lavoisier galing sa Mataas na Paaralan ng DasmariƱas. Ang blog na ito ay para sa aming proyekto sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao na ipinagawa ni Binibini Krystine Olido.
Sa panahon ngayon, marami nang tao ang walang pake at hindi iniintindi ang kalagayan ng ating kalikasan at kapaligiran. Kalat dito, tapon doon, okey lang yan para sa kanila. Ang simpleng pagtatapon lamang ng basura sa tamang tapunan ay ‘di gaanong pinahahalagahan. Nariyan ang patunay sa ating paligid – ang mga nagkalat na basura sa kalsada, estero, kanal at kahit ang ating mga anyong tubig tulad ng dagat at ilog ay hindi rin pinalagpas. Halimbawa na lang riyan ang Manila Bay. Pagbaha, pagkakaroon ng landslide at pabago-bagong klima, ‘yan ang ilan sa mga nararanasan nating panahon ngayon. Abnormal sa panahon noon
Ikaw ba, kung tatanungin ka, nais mo bang manahan sa mundong puno ng polusyon, basura at ang patuloy na pagkasira ng kapaligiran kasama na ang likas na yamang pinagkukunan ng inyong ikanabubuhay? Hindi diba! Sino ba ang gugustuhing tumira sa ganoong sitwasyon kung lahat ay magiging problemang iyong papasanin sa araw-araw.
Sa aming grupo, napili naming bigyan ng simpleng solusyon ang isang problema sa isang subdibisyon sa Barangay Paliparan III. Ang pagpili namin sa lugar na ito ay binase namin sa chart na ito. Nasa pinakaibabaw na box ang aming mga pangalan at ang tatlong pinakaproblema sa aming lugar. Nagkaroon kami ng pagtatala kung ano ang tatlong pinakamaraming magkakaparehas sa aming mga sagot. At doon, nagkaroon kami ng dalawang suliranin.
Ayon kay Jovel Deang, isa naming kagrupo, madalas na magbaha sa kanilang lugar at ito ay dahil sa mga baradong canal na dahil naman sa dami ng basura. Ayon nga sa isang residente doon, tumataas hanggang tuhod o umaabot pa minsan sa bewang o dibdib ang baha sa kanila. Ang lokasyon na iyon ay sa palengke at ayon sa aming obserbasyon talagang parang mga bundok ang lugar na pinatungan lng ng semento.
Kaming grupo, Selina Khae Montederamos, Lexandrine Belenzo, Anggelica Sombillo, Pauline Minoza, Dominick Minoza, Jovel Deang, at Emmanuel Osbert Cajayon, ay nagtungo sa lugar na iyon noong Hulyo 26, 2014.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento